Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Trillanes binuking diskarte ng Makabayan sa 2022

0 182

Ibinunyag ni dating senador Antonio Trillanes IV ang kuwento sa likod ng sinasabing hinarang niya para hindi makasama si dating Bayan Muna congressman Neri Colmenares sa mga kandidato sa pagka-senador ni Vice President Leni Robredo.

Sa tweet ni Trillanes kahapon, sinabi nito na gusto ng Makabayan na makasama si Colmenares sa mga senatorial bet ni Robredo subalit hindi pa naman ineendorso ng grupo ang kandidatura ng bise presidente para sa 2022 presidential election.

“Makabayan wants Neri to be included in VP’s slate. But Makabayan has yet to endorse VP,” sabi ni Trillanes.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ibinunyag pa ni Trillanes na sa mga isinagawang konsultasyon ng 1Sambayan, inendorso pa ng Makabayan ang pagtakbo sa pagka-pangulo ni Manila Mayor Isko Moreno.

“In fact, in 1Sambayan, they did not vote for VP, and were pushing for Isko. They even tried to stop the 1Sambayan endorsement of Leni. Pwede ba, wag ako,” ayon kay Trillanes.

Una nang inihayag ni Colmenares sa isang panayam sa telebisyon na na kinontra umano ni Trillanes na mapasama siya sa mga kandidato sa pagka-senador ni Robredo.

Sa tanong kung sino ang humarang sa kanya sa Leni tiket, tinukoy ni Colmenares si Trillanes. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.