Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Trillanes: Bong Go bully ng estudyante

0 246

Isa umanong bully ang dating assistant ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go, ayon kay dating Senador Antonio Trillanes IV.

Ginawa ni Trillanes sa kanyang Twitter post kasunod nang paghahain ng cyberlibel complaint laban isang estudyante sa kolehiyo na tumutuligsa sa kanya.

“Malakas makapang-bully ng estudyante itong Bong Go na ‘to,” sabi ng dating senador sa kanyang tweet.

Inireklamo ni Go ang diumano’y libelous post ng estudyante at hiniling sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigaha ito at tingnan kung may paglabag sa cybercrime law.

Sabi ni Trillanes dapat maghinay-hinay ang senador sa kanyang ginawang pambu-buly dahil baka makarma ito.

Aniya, si Go ay sangkot sa diumano’y maanomalyang pagbili ng dalawang frigate ng Philippine Navy.

“Siguraduhin mo lang na di iikot ang mundo, kundi may kalalagyan ka,” sabi ni Trillanes kay Go.

“Tatandaan mo, dokumentado yung sabit mo sa frigate scam,” dagdag pa nito. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.