Abante Tonite Interactive

Trillanes ‘di na ‘multo’ kay Nancy

4,685

Kinumpirma ni Senador Nancy Binay na nagkaayos na sila ni Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV matapos ang ilang taon nilang hindi pagkikibuan dahil sa pambabatikos ng huli kay dating Vice President Jejomar Binay.

Inihayag ni Binay na bago pa man mag-break ang Kongreso noong Marso, nilapitan na siya ni Trillanes at kinausap.

“In-explain lang san sya nanggagaling, anong pinanggalingan ng ginagawa nya sabi ko naman ‘that’s fine’. Naiintindihan naman din daw nya na ayaw niya i-force ang sarili nya na alam naman daw nya na nakasakit din siya,” kwento ni Binay.

Abante Hiring – IT dep

Aminado si Binay na matapos ang kanilang pag-uusap ay nabawasan ang “awkwardness” na kanyang nararamdaman.

“Ang hirap kaya nung maglalakad ka sa hallway na kunwari, ang hirap magpanggap na wala ka nakikita kunwari wala ka nakakasalubong. Ang hirap kaya ng ganun,” pahayag pa ni Binay (Dang Samson-Garcia)