Abante Tonite Interactive

Trillanes game sa anumang imbestigasyon

457

Handang harapin ni Senador Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV ang anumang pagdinig na ikakasa laban sa kanya ng mga incoming senators partikular na si Senator-elect Bong Go.

“Sige. Game! Bring it on,” saad ni Trillanes nang tanungin hinggil sa pahayag ni Go na siya naman ang ipapatatawag sa mga pagdinig sa pagpasok ng 18th Congress.

Iginiit pa ni Trillanes na kung ang pananakot ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi nito inuuru-ngan, lalo na ang mga tauhan nito.

“Yun ngang paninindak ni Duterte mismo, yung pinakang master nila e, hindi ako natatakot. Dito pa sa mga amuyong na ito, ‘di ba? Ay, ano na pala sila, honorable elected officials,” dagdag ng senador.

Nakahanda rin anyang siyang makulong at ipagpapatuloy pa rin ang pagiging kritiko nito kahit hindi na siyang miyembro ng Senado.

“Nung kainitan niya (Duterte) di ko siya nilubayan, ngayon pa kaya na lupaypay na, not physically ha. I believe he is not sick, he is just lazy,” diin ni Trillanes.

“Ako ready, ang tanong sila ready,” dagdag nito.(Dang Samson-Garcia)