Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Trillanes guilty sa libel kay Junjun Binay

0 526

Hinatulang guilty ng Makati City Regional Trial Court (RTC) si dating senador Antonio Trillanes IV sa kasong libel na isinampa laban sa kanya ni dating Makati Mayor Junjun Binay hinggil sa “justice for sale” isyu noong 2015.

Pinagmumulta ni Makati RTC Branch 148 Judge Andres Soriano si Trillanes ng P100,000 para sa gastos sa isinampang kaso at P500,000 bilang moral damages.

Nagsampa ng kasong libel ang kampo ni Binay laban sa dating senador dahil sa pahayag nito na lumabas sa telebisyon at radyo hinggil sa alegasyon laban sa dating alkalde ng Makati nang wala umanong beripikasyon at imbestigasyon.

Inakusahan din ni Trillanes si Binay ng panunuhol umano sa dalawang mahistrado Court of Appeals (CA) ng P50 milyon para sa kanilang ruling laban sa suspensiyon ng dating alkalde sa Office of the Ombudsman.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Making and releasing the subject statements absent a serious verification and investigation is recklessness bordering on a disregard of what is true or false,” saad ng korte.

Kaugnay nito, ipinahayag ni Trillanes na hindi pa tapos ang laban at magsasampa siya ng apela sa kaso para mabaliktad ang desisyon ng korte.

“That is the price to pay for standing up against very powerful people. We intend to exhaust all legal remedies to overturn this ruling,” sabi ni Trillanes sa isang pahayag nito.

Sa kabila aniya nito ay patuloy pa rin ang kanyang adbokasiya na linisin ang gobyerno mula sa mga kurakot at abusadong opisyal. (Edwin Balasa/Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.