Abante Tonite Interactive

Trillanes kinantiyawan, tinawag na estupido

By
0 3,207

Kinantiyawan ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte ang kanyang mortal na kaaway na si Senador Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV sa harap ng umiiinit na isyu sa inihaing reklamo laban sa kanya sa International Criminal Court o ICC.

Sinabi ng Pangulo na hindi siya matatakot ng senador dahil wala naman aniyang alam ito sa kanyang ginagawa.

Wala aniyang mangyayari kung papatulan at makipag-argumento sa mga taong wala namang alam kaya pinayuhan nito ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte na huwag na lamang pansinin ang senador.

“But you will — you will get your comeuppance. You cannot just tell people na — and say, takutin mo na Trillanes nagsasayaw-sayaw, mukhang walang alam eh. ‘Yan ang mahirap sa mga gustong power, they want power, hungry for power, attention.

This one guy na mag-mutiny, p***** i** sikat pa ngayon. Pero ako kasi — because if you argue with stupid people, you cannot, there’s — there’s no medicine for that. There’s no cure for stupidity. So the best way, sabi ko nga kay Inday, “Hayaan mo na ‘yan.” Kaya nga hindi nanalo, look at what he got, four percent of… PMAer man sana ‘yan pero may nakalusot, ang buang, I don’t know why,” anang Pangulo.

Ang reklamo ni Trillanes sa ICC ay may kinalaman sa umano’y extra judicial killings (EJKs) sa bansa sa ilalim ng Duterte administration.

Kasamang naghain ng reklamo ni Trillanes sina Congressman Gary Alejano at Edgar Matobato.