Abante Tonite Interactive

Trillanes mababaril sa pagiging arogante — Duterte

By
1,264

Bagama’t ayaw patulan, naniniwala si Pa­ngulong Rodrigo Duterte na makakahanap din ng katapat si Senador Antonio Trillanes IV sa kayabangan nito.

Ayon sa Pangulo, masyadong siga at matapang ang senador kaya palagi siyang hinahamon at naghahanap ng butas para siya mabanatan.

Pero gaya aniya ng naunang pahayag, hindi niya pag-aaksayahan ng panahon ang mga pag-iingay laban sa kanya ni Trillanes.

“Trillanes is always trying to act tough and threatening and thinks he’s better than he is. That’s why he challenges me,” anang Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na mataas ang kumpiyansa ni Trillanes sa sarili dahil galing siya sa Armed Forces pero ang totoo ay walang naniniwala sa kanya.

Bukod dito, sinabi ni Pangulong Duterte na gustong-gusto ng senador na makipag-away dahil walang naglalakas loob na labanan ito, pero darating aniya ang araw na may babaril sa kanya dahil sa kanyang pagiging arogante.

“He feels confident because he’s from the Armed Forces, but who would believe him? He likes to fight a lot. He believes that he’s the only tough one around because nobody fought him back. But there will come a day that someone will shoot him because he’s arrogant,” dagdag pa ng Pangulo.