Abante Tonite Interactive

Trillanes may aplikasyon sa amnesty

By
1,837

Naghain ng aplikas­yon para sa amnestiya si Senador Antonio Trillanes IV subalit ito’y nawawala sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Office of the Deputy Chief of Staff (J1), ayon sa tagapagsalita ng Department of National Defense (DND) kahapon.

“Ang nangyari kasi diyan, nung prinocess po ‘yung kanilang amnesty, nu’ng 2011 pa po ‘yun eh, may crineate po na adhoc committee ang DND para suriin at irekomenda po ang kanilang mga applications for amnesty. Ang secretariat po nu’ng panahon na ‘yon ay ‘yung J1 po ng AFP,” paliwa­nag ni Arsenio Andolong sa isinagawang press conference kahapon sa Camp Aguinaldo.

Dagdag pa ni Andolong na sa katagalan umano ng panahon, doon na nila nadiskubreng wala silang makitang kopya sa J1 matapos mag-inquire ang Office of the Solicitor General.

Abante Hiring – IT dep

Inamin naman nito na mayroong kopya ng aplikasyon ng amnesty ni Trillanes pero hindi lang umano ito makita at mismong si Andolong ang makakapagpatunay dahil noong 2011 ay nagkaroon pa ito ng sere­monyas saad nito.

Napilitang kumambyo ang opisyal ng DND matapos lumutang ang video footage hinggil sa paghahain ni Trillanes ng amnesty application noong 2011.

Sa Proclamation No. 572 ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Agosto 31, 2018, binawi ang amnesty kay Trillanes dahil sa hindi umano pagsunod sa requirement, tulad ng paghahain ng application.

Hindi rin umano inamin ni Trillanes na dating Navy officer na guilty siya sa pagkakasala dahil sa ginawa nitong pamumuno sa Oakwook mutiny noong 2003 at Manila Peninsula Siege noong 2007 ayon pa sa proklamasyon.