Abante Tonite Interactive

Trillanes, Roque umamin: Mag-BFF kami

By
3,032

Sa kabila ng ilang ulit na bangayan, kapwa kinumpirma ni­na Senador Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV at Presidential Spokesman Harry Roque na sila ay magkaibigan.

Sa pagsisimula ng hearing sa Senado hinggil sa fake news, ipinakilala ni Trillanes ang mga dumalong government official kabilang na si Roque.

“Secretary Harry Roque, the presidential spokesperson. Mr. Secretary, alam ko may perceived (conflict) tayo pero just for the record, kaibigan ko ‘yan, si Secretary Harry Roque kahit na ang tingin niya sa akin, ano ‘yun, demonyo? Hindi naman?” saad ni Trillanes.

Nagngitian pa ang dalawa bago sundan ni Trillanes ng pahayag na “So anyway, I’m glad that you are here.”

Naging maganda rin naman ang pagtanggap ni Roque.

“Mr. Senator, Mr. Chairman, tama po ‘yun matagal tayong magkaibigan na at malalim po ang ating samahan at gaya ng aking sinabi kanina, minsan po kinakailangan lang mag-self defense pero tuloy po ang ating pagkakaibigan,” sagot ni Roque.

Bago pa ang umpisa ng pagdinig, namataan si Roque na lumapit kay Trillanes saka kinamayan at sandali silang nag-usap.