Abante Tonite Interactive

Trillanes sa mga Tulfo: Sa radyo lang kayo matapang!

By
3,438

Nagkaroon ng pagkakataon si Senador Antonio Trillanes IV na buweltahan ang mga magkapatid na Tulfo matapos na paliguan ng mura ang senador sa radio program ng magkapatid.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa kontrobersyal na P60 milyong advertisement ng Department of Tourism (DOT) sa programang ‘Kilos Pronto’ ni Ben Tulfo sa PTV-4, diretsahang tinanong ni Trillanes si Ben kung magkano ang kinita niya sa mga ad.

Nang hindi maka­sagot, sinabi ni Trillanes na matapang lang pala sa radyo ang mga Tulfo.
“Ayan panay iwas na, pero kapag nasa radio program kay tatapang eh, pero ngayon parang nabibilaukan sa katotohanan,” patutsada ng senador.

Naghamon naman ang kapatid na si Erwin Tulfo na kasuhan siya ng plunder, bagay na sinagot ni Trillanes na sana’y magkaroon sila ng lakas ng loob na harapin ang isasampang kaso laban sa kanila.

Inupakan din ni Trilla­nes si dating DOT secretary Wanda Tulfo-Teo matapos itong magpaliwanag na hindi raw niya alam na ang mga kapatid niyang sina Ben at Erwin ang host ng programang ‘Kilos Pronto’, dahil ang kontrata sa ads ay sa pagitan ng DOT at ng PTV-4.
Samantala, ipinatawag naman ni Senador Richard Gordon, chairman ng komite, ang aktor na si Cesar Montano na dumalo sa susunod na pagdinig upang magpaliwanag sa P80 mil­yong Buhay Carinderia project noong ito pa ang chief operating officer ng Tourism Promotions Board (TPB).