Abante Tonite Interactive

Trillanes sinopla ng Palasyo sa hirit na drug test sa First Family

By
1,092

Sinopla ng Malacañang ang hamon ni Senador Antonio Trillanes IV na dapat sumailalim din sa drug test si Pangulong Rodrigo Duterte at pamilya nito.

Ito ay makaraang lumabas na negatibo ito sa surprise drug test na ginawa sa Senado noong nakalipas na buwan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang Pangulo ay halal ng bayan at nasa desisyon nito kung gustong magpa-drug test pero hindi para utusan siya ng kahit sino.

Abante Hiring – IT dep

Binigyang-diin ni Roque na marami nang sinasabi ang senador na hindi na pinapansin ng Palasyo kaya walang dahilan para patulan ang panibagong hamon nito sa Pangulo.

“Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya other than ang Presidente ay halal ng bayan. Kung gusto pong magpa-drug test ni Presidente, gagawin niya, pero hindi para utusan ng kahit sino,” ani Roque.

Mainit si Trillanes kay Pangulong Duter­te na nag-ugat sa akusasyon nitong may malaking deposito ng salapi ang Presidente sa bangko at kasamang nakatago umano ang mga hidden wealth ng kanyang pamilya, na itinanggi naman ng mga Duterte.