Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Trillanes supalpal! Lacson ‘secret adviser’ ni Robredo

0 199

Sinagot ng dating kinatawan ng Magdalo ang mga tirada ni dating senador Antonio Trillanes IV laban kay Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson.

Sa inilabas na pahayag ni Ace Acedillo, dating Magdalo Party-list Rep. na hindi unang beses na nagkita sina Senador Ping at si Vice President Leni Robredo.

Kaibigan umano ni Lacson ang namayapang mister ng VP na si dating Interior Secretary Jesse Robredo kaya hindi umano nakakapagtakang kumonsulta ito sa senador tungkol sa mga isyu sa bansa gaya ng paglaban sa korapsiyon.

Humingi rin umano ng payo si Robredo kay Lacson nang maging anti-drug czar ito.

SM food to go Banner Ad

Samantala, pinalagan din ng dating cong ang paratang niTrillanes na isa ang senador sa nagtulak sa hindi makatarungang pagpapakulong kay Senadora Leila de Lima.

Naniniwala rin si Lacson na dapat bigyan ng kala­yaan si Robredo bilang ‘unifying symbol’ ng oposisyon.

“This includes the discretion of which national leader/figure to consult and meet with,” saad nito.

Si Trillanes ay isa sa tumatayong lider ng Magdalo. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.