Abante Tonite Interactive

Trillanes tiklop sa ‘word war’ kay Mayor Sara

By
0 3,401

Sumuko si Senador Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV sa word war kay Davao City Mayor Sara Duterte matapos magbanta ang huli na susuka ang senador ng P1 bilyon sa laban nila.

“Hindi ko na lang siguro papatulan ‘yan. I don’t have time for that,” saad ni Trillanes.

Una nang nanawagan ang alkalde kay Trillanes na tigilan siya at kung hindi ay titiyakin niyang gagastos ng bilyon ang kritiko ng kanyang ama.

“Leave me alone, Senator Trillanes. The last time a person irked me. I made sure to make it difficult for him to bring me down and Speaker Boy Nograles lost that election and was a billion pesos poorer,” giit ni Sara.

“President Duterte imagines you will be shot, on the other hand, I will make sure you are alive and in pain,” dagdag pa ng alkalde.

Nanindigan si Trillanes sa kanyang pa­niniwala sa plano ng Pangulo na manatili sa kapangyarihan habambuhay.

“Nilalatag ko lang ‘to as a matter of fact na ito ‘yung plano nila,” diin ni Trillanes.

Sinabi pa ni Trillanes na kung magtutuloy si Sara sa kandidatura sa pagka-Pangulo sa 2022 ay ilang kaalyado mismo ng Pangulo ang kanyang makakalaban.

Tinukoy nito sina Senador Manny Pacquiao, Senador Richard Gordon, Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, at dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

“Sila silang magkakampi, sila sila ang magbabanggaan dito,” dagdag pa ni Trillanes.