Abante Tonite Interactive

Trilogy kay Holyfield aprub kay Tyson

0 411

Sang-ayon si former heavyweight kingpin Mike Tyson na magkaroon ng third installment ang dalawang bakbakan nila ng dati ring kampeon na si Evander Holyfield.

Lalo na kung ang kikitain nito ay mapupunta para makatulong sa mga tao lalot nahaharap ang mundo sa Covid-19 pandemic

“Anything is possible,” sambit ni Tyson na inuurot ng mga boxing fan sa trilogy nila ni Holyfield.

Unang naglaban ang dalawang legend taong 1996 para sa WBA heavyweight belt na pinagwagian ni Holyfield via 11th round TKO.

Sa rematch nila taong 1997, wagi pa rin si Holyfield sa pamamagitan naman ng disqualification dahil kinagat siya sa tenga ni Tyson.

“Hey, listen, there are a lot of people out there that need help and something like that could help a lot of people, that’s in need for help,” dagdag ni ‘Iron Mike’. (Ferdz Delos Santos)

Tonite – Wendys Inhouse Ad