Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Trio magkaangkas naaksidente, 1 patay

0 383

Trahedya ang sinapit ng tatlong babaeng magkakaangkas sa motorsiklo nang mawalan ng control sa manibela ang driver habang binabagtas ang Gen. Emilio Aguinaldo, Cavite kamakalawa.

Patay sa insidente ang isa sa angkas na si May Ann Angat, 27, habang sugatan naman ang driver na si Gloriani, 20, at isa pang sakay nito na si Roselyn Sermonia, 23.

Sa ulat ng pulisya, alas-2:50 ng madaling-araw nangyari ang insidente sa Alfonso-Aguinaldo Road. Minamaneho umano ni Gloriani ang isang Yamaha Mio Sporty pero pagsapit sa Brgy. Tabora ay nawalan ito ng kontrol sa manibela, nadulas at tumagilid, hanggang tumilapon na sila at tumama ang ulo sa semento.

Sa imbestigasyon, pinaniniwalaang pawang nakainom ng alak ang tatlo. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.