Abante Tonite Interactive

Trip bosohan si ‘Oblation’

850
 
Hindi lang pala ang player na mahilig sa maig­sing short ang trip na bosohan at silipan ng mga nagtitilam-tilam na mga miyembro sa pederasyon.
Isang mahusay din na shooter ang kanilang pinagpipistahan na panoorin at pagmasdan sa buong laro kapag may laban ang koponan nito na kilalang-kilala sa pagkakaroon ng isang artistikong nakahubad na rebulto.
Madalas na pinagnanasahan ng ilang kabilang sa samahan ang guwapo at makinis na player dahil hindi lamang ito mahusay mag-shoot kundi matindi din ang kanyang ‘pang-shoot.’
Hindi maikakaila sa mga hiyaw at sigaw ng mga miyembro kapag nakaka-shoot si player na gusto din nila na sila ang madalas na masiyutan ni player.
Gayunman, hindi sila pinapansin ni player ­dahil mestisahin at sadyang napakaganda ng ­laging kasamang ‘bebot.’
Una nang pinagnasahan ng isang may edad sa pederasyon ang isang kabilang sa mga ‘ibon’ ang koponan dahil sa bakat na bakat din ang alaga nitong ‘ibon.’ Hala!