Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Trip lang! Aircon maintenance sinakyod ng tinedyer

0 64

Agaw-buhay ang isang aircon maintenance nang harangin at pagsasaksakin ng binatilyo sa Malabon City, kahapon ng umaga.

Nakaratay sa Tondo Medical Center si Richard Alto, 31, taga-Barangay Catmon ng nasabing lungsod, dahil sa tinamong mga saksak sa katawan.

Dahil menor-de-edad, dinala sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang suspek na itinago sa pangalang “Marlon.”

Ayon sa pulisya, alas-12:30 ng umaga nang maganap ang pananaksak sa biktima sa kahabaan ng Hernandez Street, Barangay Catmon, Malabon City.

Naglalakad pauwi si Alto nang pagtripang harangin at pagsasaksakin ng binatilyo.

Patakas na sana ang suspek pero hinabol ng mga barangay tanod sa lugar hanggang sa mahuli.

Hinala ng pulisya, posibleng nakursunadahan lamang ni “Marlon” ang aircon technician. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.