Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Trip makipag-break! Pinay niyari ng Kanong bf

0 62

Todas ang isang Pinay sa North Dakota, USA matapos pagbabarilin ng kanyang boyfriend.

Kinilala ang biktima na si Arnalene Rapalam, na sinubukang isugod sa ospital ngunit hindi na umabot ng buhay.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa mga kaibigan ng biktima, bago ang krimen ay nag-away umano si Rapalam at suspek na si Eric Venn kung saan nagbabalak na rin daw makipaghiwalay ang Pinay sa kanyang nobyo.

Sa report ng Minot Daily News, sinabi ng prosecutor na posibleng plinano ang pamamaslang sa Pilipina, nalaman na bumili ng baril ang suspek at pinagbabaril ng limang beses si Rapalam.

Sinubukan umanong tumakas ni Venn ngunit naaresto rin ito at kinulong sa Ward County Jail.(RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.