Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Trip ng mga netizen: Sotto swak sa Rockets

0 62

KANYA-KANYANG pili ng team ang ilang netizen na bagay umanong mapuntahan ng Pinoy basketball star na si Kai Sotto, matapos opisyal na magpahayag ng paglahok sa paparating na 2022 NBA Rookie Draft

Ilan sa ninanais ng mga netizen mapuntahan ni Sotto ang Golden State Warriors, Phoenix Suns, Toronto Raptors at pinakamaraming interes sa Houston Rockets at Utah Jazz.

Naglitawan ang sari-saring social media page na nagbibigay suporta kay Sotto na posibleng maging unang purong Pilipino na makatutuntong sa internasyonal na liga ng basketball.

“Kahit saan basta ma-draft,”sabi lamang ni NBA fan Marvi Camacho.

Karamihan sa netizens ay nagnanais na mapunta ang 19-anyos na si Sotoo sa Houston kung saan makakasama umano niya ang Filipino-American na si Jalen Green habang makakapareha naman nito sa Utah ang isa pang Fil-Am na si Jordan Clarkson.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sakaling mapunta si Sotto sa Rockets ay makakasama ulit nito ang naging kakampi at nakasama sa Ignite G League na si Green.

“Mas maganda na mapunta siya sa team na maipapakita niya ang shotblocking ability niya,” sabi naman ni netizen Angelo Kent Encarnacion.

Samantala’y umaasa ang sports patron at presidente ng Pilipinas 3×3 na si Ronald Mascarinas na tuluyang makakamit ng 7-foot-3 na si Kai ang kanyang NBA dream.

“It will be a big boost for us all Filipinos,” sabi ni Mascarinas, na lubhang ikinatuwa ang pagdedeklara ni Sotto ng paglahok sa gaganapin na NBA Draft.

Una nang naging parte ng pamilya ng Chooks-to-Go si Sotto bilang ambassador ng mga inorganisa nitong liga partikular na ang Pilipinas 3×3.

Kasalukuyang nasa bansa si Sotto bilang pansamantala nitong pagbabakasyon matapos na maglaro para sa Adelaide 36ers sa Australia National Basketball League (NBL). (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.