Abante Tonite Interactive

Tripartite agreement

503

Nakatakdang magpirmahan ang Philippine Sports Comission, Philippine Olympic Committee at Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee para sa isang tripartite agreement.

Mangunguna sa lagdaan sina PSC Chairman William Ramirez, POC president Abraham Tolentino at Phisgoc chair Alan Peter Cayetano.

Kaugnay ito sa kagustuhan ng POC na maski tumanggap sila ng badyet mula sa PSC, wala silang pananagutan sa gobyerno kapag natapos nang isagawa ang nakatakda sa Nobyembre 30-Disyembre 11 na 30th SEA Games sa bansa.

‘Di si newly-POC prexy Tolentino ang may pakana nito kundi ang ilan, ‘di naman lahat, na dating mga kapanalig ni 2005-2018 POC pres. Jose Cojuangco, Jr.

Tingin ko, ‘di papayag dito ang PSC.

Ibig bang sabihin ng POC, ang kakasuhan at hahabulin ng pamahalaan ay ang PSC lang gayung dumaan lang sa kanila ang pondo bago napunta sa POC at wala ng kargo ang huli?.

Dapat lahat ng tatanggap ng SEAG budget sa PSC papirmahin na mag-liquidate. ‘Pag ‘di sumunod, sama siyempre kaso.

May precedent na ang nais na kagustuhan ng POC nang mag-host na rin ang bansa ng 2005 SEAG. ‘Di ba’t milyon-milyon ang mga ‘di na-liquidate. ‘Di ko na po tutukuyin kung sino-sino sila, kilala ninyo na po sila.

Kaya tutol ang TP sa nais mangyari ng POC, gayundin sa Phisgoc kung aayunan nila ang POC.

Obligasyon ng kahit sino na kapag kumuha ng government money, i-liquidate lang. Period.

***
Advance happy birthday po kina Adela C. Morales at Rose T. Morales ng kapwa 1901-T. Zamora Street, Pandacan, Manila. Si Gng. Adela ay ina ni Rodel at si Rose ay misisniya.

Ka-batch ng inyong lingkod si Rodel noong 1986 sa Manuel A. Roxas High School sa Paco, Maynila.

Magno-90 na si Gng. Adela sa Agosto 17, habang magku-40-anyos si Rose sa August 18. Kasamang bumabati ni Rodel sa kanyang ina si Rose at ang ang mga apong sina Alpha, LG, GG, Lukas at Jessie.

At sa kabiyak ni Rodel ay ang lima nilang mga anak.