Abante Tonite Interactive

Tristan ayaw patawarin sa pagtataksil

232

Ibinalita ng reality star at model na si Khloe Kardashian na tuluyan na niyang winakasan ang pakikipagrelasyon sa Cleveland Cavaliers star na si Tristan Thompson.

Kasunod ito ng pagkakatuklas ng 34-year-old “Keeping Up With the Kardashians” star na may relasyon si Thompson sa kaibigan ng kapatid nitong si Kylie Jenner.

Ang mas ikinagalit ni Khloe ay hindi ito ang unang pagkakataon na kinaliwa siya ni Thompson dahil noong 2017 ay ikinagulat niya ang kumalat na la­rawan nito na may kasamang babae habang buntis siya.

Related Posts

Siniguro ng reali­ty star na hindi na niya mapapatawad ang ilang beses nang panga­ngaliwa ng kanyang nobyo.

Sinabi ng isang source na ang da­ting magkarelasyon ay may 10-buwang gulang na anak, pagka­tapos ng halos dalawang taon nilang pagsasama. Madalas dahil sa isyu ng pambababae ay nagkakaroon sila ng ‘di pagkakaunawaan.

Hindi naging hadlang ang paghihiwalay nila ni Thompson na pinag-uusapan nga­yon para hindi siya lu­mabas at magtago sa publiko.

Mag-isang dumalo si Khloe sa opening ng L.A. offices, ang PrettyLittleThing noong Miyerkoles ng gabi na napakaseksi sa suot niyang black sweater na tinernuhan ng skin-tight black leather pants at black heels.