Abante Tonite Interactive

TRO gatasan ng mga huwes

481

Muling sumiklab ang galit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga huwes na pinagkakakitaan umano ang paglalabas ng temporary restraining order (TRO) na nagiging dahilan para hindi agad maipatupad ang mga proyekto ng gobyerno.

Sa kanyang situation briefing hinggil sa epekto ng bagyong ‘Tisoy’ sa Bicol region na ginanap sa Legazpi City Convention Center noong Huwebes, Disyembre 5, isinumbong ni Presidential Adviser for Bicol Affairs (PABA) Marvel Clavecilla ang pangunahin nilang problema hinggil sa mga korte na nag-iisyu ng Temporary Environmental Protection Order (TEPO).

Dahil aniya dito kung kaya’t hindi maisagawa ng mga ahensya ng gobyerno katulad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga proyektong ka­tulad ng road at bridge widening project.

“Now we know Mr. President that there — there was — o there is still a law preventing courts from issuing injunctive orders on national infras­tructure projects. Howe­ver, it is more honored in breach — in breach than in compliance,” sabi ni Clavecilla.

“So, that is the main problem besetting our — the projects — the many projects of the DPWH and affecting, Mr. Pre­sident your Build, Build, Build program,” ayon pa sa kanya.

Si Clavecilla ay da­ting regional trial court judge bago itinalaga ni Pangulong Duterte bilang PABA noong May 9, 2018 para magsilbing ‘tulay’ ng gobyerno upang matulungan ang Office of the President na tugunan ang mga programa at proyektong kinakailangan sa Bicol region.

“Ah magalit na ako diyan. Judge, judge ka man. You know itong korte… May judge ba dito? Baka… Mahilig ta­laga itong… Usually, itong — let me — let me tell you the story of the TRO. A TRO is issued by the court. And you’ve had a chance to issue it, you sir, because you were once upon a time a judge. Ito kasi si presidential assistant, classmate ko tapos brod ko pa. Itong TRO, ito ‘yung gold mine ng lahat,” sabi naman ng Pangulo.

Pinayuhan ng Pangulo si Clavecilla na suwa­yin ang korte kapag nag­labas ng TRO o kaya naman ay suntukin na lamang nito ang huwes na haharang sa mga proyekto ng gobyerno.

“Now for example, itong — anything, anything that you want to stop temporarily or permanently they go to the courts, apply for an injunction.

There are courts, there are judges who are really true to their sense of being a judicial officer. They look into the merits of the case. But karamihan nitong TRO… for e­xample, a project, gusto rin niyang mapasok rin siya then he loses the bidding, mag-file ‘yan ng…,” sabi ni Pangulong Duterte.

Binigyang-diin ng Pangulo na hindi siya nag-aakusa at sinabing mayroon namang mga huwes na matitino at tumutupad ng tapat sa kanilang tungkulin.
“I’m not trying to accuse anybody pero ganon ang gobyerno natin. Kaya ako, I remember issuing a warning. Sabi ko do not issue — the courts, do not issue warrants — ah TRO because I will not obey you,” diin ng Pangulo.