Abante Tonite
Mabilis sa Balita

TRO vs ‘no bakuna, no ride’ ihihirit

0 137

Nakatakdang maghain ang isang grupo ng temporary restraining order (TRO) laban sa ‘no vaccinations, no ride’ policy ng gobyerno, ayon kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III.

“I know of a group filing for a TRO,” sabi ni Sotto, tumatakbo sa pagka-bise presidente, sa kanyang text message. Hindi naman siya nagbigay ng detalye ukol sa grupong maghahain umano ng TRO sa Korte Suprema.

Noong Lunes, sinumulan ang naturang polisiya na nagbabawal sa mga hindi nabakunahang indibidwal kontra COVID-19 na sumakay sa pampublikong transportasyon.

SM food to go Banner Ad

Kinastigo ni Sotto ang bagong polisiyang ito na ipinatutupad ng Department of Transportation (DOTr) na naglalayong pigilan ang pagkalat ng coronavirus sa bansa.

“There should be no discrimination among the riding public. Instead of barring them from riding public transports, DOTr should come up with brighter ideas on how to protect the unvaxxed from the deadly virus.”

Mungkahi ni Sotto, dapat may lugar sa mga tren o bus para sa mga hindi pa bakunado. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.