Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Trono ni Rabiya ‘Di bagay kay Kisses

0 259

NI: VINIA VIVAR

Hindi pa sure ni Rabiya Mateo kung gusto niya pang sumali ulit sa beauty pageants kapag natapos na ang kontrata niya sa Miss Universe-Philippines at maisalin ang korona sa susunod na mananalo.

Ngayon pa lang kasi ay marami na ang nagtatanong sa kanya kung gusto naman niyang sumali sa Miss World.

Pero ayon kay Rabiya sa isang interview ay hindi naman niya sinasara ang kanyang pinto at aniya, “let’s give it two years siguro, let’s see.”

Sa ngayon ay malapit na rin niyang isalin ang kanyang trono dahil namimili na nga ng bagong kandidata ang MUP kung saan ay pasok nga sa top 100 delegates si Kisses Delavin.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ngayon pa lang ay kinukumpara na ng mga tao sina Kisses at Rabiya at mga nagsasabi nang hindi raw bagay sa una na maging Miss Universe.

“Opinion ko lang huh! Beauty pageant ‘to diba. Yes matalino daw si Kisses pero hindi talaga Miss Universe Philippines material si Girl. As in it’s a big no. Wala talaga siyang dating kumbaga. Alam kong alam niyo rin. Hindi dahil artista siya eh pwede na. It’s a no for me. Period,” komento ng isang netizen sa Pageanthology 101 FB group.

Pero may mga nagtatanggol din naman kay Kisses sa Pageant Talk Overload Philippines . Anang isang netizen, may potensyal daw si Kisses dahil bukod sa maganda na ay matalino pa kaya huwag daw nating husgahan agad ang dalaga.

Anyway, mula sa 100 ay iti-trim pa ang mga kandidata sa MUP hanggang sa maging 30 na siyang magiging official candidates. Iaanunsyo ang final 30 sa Aug. 31 na siyang makikipaglaban sa titulong isasalin ni Rabiya na very sexy sa IG post ni Mikee Andrei na phito. Ito ay kuha ni TJ Medrana.

Leave A Reply

Your email address will not be published.