Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tropa ni Pacquiao pumiyok kay Sara

0 75

Sagupaan nina Senador Manny Pacquiao at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang ugat ng kaguluhan sa PDP-Laban, sabi ng sa isang malapit na kaibigan ng mambabatas.

Ayon kay dating Bacolod Mayor Monico Puentevella, hindi maitatanggi na ayaw ng paksyon ni Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi na kalabanin ni Pacquiao ang presidential daughter.

“Ang mga kababayan naman natin alam naman ang istorya nito eh ayaw n’yo lang kay Manny Pacquiao dahil akala n’yo…. si kumpareng Manny sunod-sunuran lang, sipsip o tuta eh hindi may pagkatao ito,” sabi ni Puentevella sa isang panayam sa radyo.

Inaasahan na rin umano ng grupo ni Pacquiao na tatanggalin ito bilang pangulo ng PDP-Laban.

“Ang puno’t dulo nito sa totoo lang is between Sara Duterte versus Manny Pacquiao, kasi akala nila, sasabihin nila kay Manny, ‘Sumunod ka lang, hoy hoy sumunod ka lang huwag kang tumakbo’,” dagdag ni Puentevella.

Naniniwala si Puentevella na natatakot ang kabilang kampo kay Pacquiao kaya ngayon pa lang ay sinisiraan na nila ito. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.