Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Trophy, P200K sa 10 Sports Hall of Famer

0 89

Pagkakalooban ng Philippine Sports Commission (PSC) ng P200K at tropeo bawat isa ang 10 mga iluluklok sa elegant digital 4th Philippine Sports Hall of Fame (PSHOF) 2021 sa Linggo, Hulyo 18 simula sa alas-7:00 nang gabi sa PTV4.

Ayon nitong Miyerkoles kay PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez, bahagi ang okasyon sa responsibilidad ng ahensya base sa Republic Act 6847 para parangalan ang mga Pinoy at Pinay sports heroe na iangat sa natatanging PSHOF.

Nabuo sa fourth batch awardees sina Paulino Alcantara ng football, Jose Eric Buhain at Gertrudes Lozada ng swimming, Dionisio Calvo ng basketball -soccer, Arianne Cerdena ng tenpin bowling, Robert Jaworski Sr. ng basketball, , Elma Muros-Posadas at Rogelio Onofre ng athletics, at Leopoldo Serrantes at Roel Velasco ng boxing.

“I am pleased to have our Filipino sports heroes to be finally recognized and congratulations to all the fourth batch enshrines,” hirit pa ni Ramirez, na siya ring chairman ng PSHOF selection committee, at nakatakdang magtungo sa inusog ng pandemyang 32nd Summer Olympic Games sa Tokyo, Japan sa parating na July 23-August 8 upang suportahan ang 19 na atletang mga kakampanya. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.