Abante Tonite Interactive

Troy Rike makapaglalaro na sa UAAP

By
488

Ibinuking ni Natio­nal University Bulldgos head coach Jamike Jarin na makapaglalaro na ulit si Gilas cadet Troy Rike sa UAAP.

“Troy Rike will play this Saturday,” ani Jarin sa UAAP Season 81 press conference sa Mall of Asia Arena nitong Lunes.

Inihayag ni Rike sa kanyang Twitter na hindi siya makapaglalaro sa UAAP dahil sa mga kadahilanang hindi niya makontrol.

Ang napabalitang dahilan ay may kinalaman sa kanyang mga papeles sa DOJ.

Grumaduate na si Rike sa Wake Forest University kaya naman nag-enroll siya ng master’s degree sa NU.

Makasasama ni Rike si Issa Gaye sa pagbubukas ng UAAP sa Sabado, Setyembre 8, sa Mall of Asia Arena.

Una nilang makala­laban ang University of Santo Tomas Growling Tigers.