Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Truck ban sa Nagtahan flyover simula Feb 20

0 51

Hindi na papayagang makadaan ang mga truck at trailer sa Nagtahan flyover sa Maynila simula February 20 matapos irekomenda ito ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa mga nakitang bitak at iba pang senyales ng pinsala sa naturang istraktura.

Inihayag ito ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa traffic advisory nitong Huwebes kung saan sinabing kasama ang Nagtahan flyover sa listahan ng DPWH ng mga tulay sa National Capital Region na kinakailangan nang ayusin at pansamantalang ibabawal ang malalaking saskayan habang inaayos para sa kaligtasan.

Ayon sa MMDA, kabilang sa mga nakitang pinsala ng DPWH sa Nagtahan flyover ay mga bitak sa wing wall, concrete pedestal ng mga steel railing, at sa mga circular joint jacket.(PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.