Abante Tonite Interactive

Truck bumulusok sa bangin sa Kalinga, 7 dedbol

283

Patay ang pito katao habang 12 pa ang nagtamo ng malalang pinsala sa katawan nang malaglag sa bangin ang sinasakyan nilang truck sa Kalinga nitong Sabado nang umaga.

Patungo umano ang sasakyan sa Brgy. Balawag sa nabanggit na siyudad pero nang makarating sa matarik na bahagi ng kalsada, huminto ang sasakyan at bumulusok paatras patungo ng bangin.

Labing-siyam na katao umano ang sakay ng trak kabilang ang driver na si Mark John Lazaro, 20.

Idineklarang dead-on-arrival ang apat na pasahero habang tatlo ang nasawi habang ginagamot sa ospital.

Dinala naman sa Kalinga Provincial Hospital, Almora General Hospital at Holy Trinity Medical Clinic ang 12 na nasugatan kabilang si Lazaro.