Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Truck inararo 9 sasakyan, 17 nadale

0 296

Dalawa ang patay samantalang nasa 15 ang sugatan sa sakunang kinasangkutan ng isang truck na nawalan ng preno sa Tayabas City proper kahapon ng umaga.

Sa report ng Tayabas City police, nasawi ang driver at pahinante ng truck na nanagasa ng 9 pang sasakyan at dalawang bahay.

Kinilala ang nasawi na truck driver na si Jeffrey Melchor Ferreras, 31, taga Concepcion, Tarlac; at isa pahinante nito na si Junathan Bacximen Simballa, 44, taga-Binondo, Manila.

Sa imbestigasyon, patungong city proper ang Elf Forward truck na minamaneho ni Ferreras at tinatahak ang palusong na kalsada ng Quezon Avenue sa Brgy. Lalo nang mawalan ito ng preno.

Una nitong nasalpok ang sinusundang elf truck na sa lakas ng impact ay sumalpok sa isang bahay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagpatuloy sa pagtakbo ang humahagibis na truck sa gitna ng busy na lansangan at umabot sa lugar na sakop na ng Angeles Z-1. Sinalpok din ang iba pang sasakyan na kinabibilangan ng 5 tricycle, 2 motorsiklo at 2 kotse, bago tuluyang sumalpok sa isa pang bahay.

Sugatan lahat ang 9 na driver ng mga binanggang sasakyan at ang isa mga pasahero ng 1 tricycle at pahinante ng unang sinalpok na truck.

Sugatan din ang isa pang pahinante ng nawalan ng prenong truck at ang mga nakatira sa huling bahay na sinalpok na kinabibilangan ng isang 12-anyos na totoy.

Isinugod na sa ibat-ibang pagamutan sa Tayabas City at sa Lucena City ang mga nasugatan. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.