Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Truck ng egg dealer tinambangan, driver utas

0 129

Patay ang isang driver samantalang sugatan ang negosyanteng kasama nito nang tambangan ng riding-in-tandem habang sakay ng truck sa San Jose, Batangas Huwebes ng madaling-araw.

Kinilala ng San Jose Police ang biktima na si Virgilio Monforte Noel Jr., 40. Isinugod naman sa ospital ang kasama nitong negosyante ng itlog na si Milo Guce Raz, 53, na nagtamo ng mga tama sa katawan mula sa kalibre 45 baril.

Batay sa report ng San Jose sa police, sakay ang dalawa sa truck galing sa barangay road at magdedeliver ng itlog nang pagsapit sa bukana ng national highway ay pagbabarilin ito ng backrider ng motorsiklong biglang humarang sa kanilang unahan.

Agad ding tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.

Ayon sa puliya posibleng ang negosyante ang target ng mga suspek subalit nadamay ang driver.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa pangyayari at inaalam ang motibo sa krimen. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.