Abante Tonite Interactive

Truck ng gatas sumalpok sa C5 barrier

234

Humambalang ang isang container truck na may lamang 1,900 kilo ng gatas makaraang sumalpok sa barrier sa C5 road na sakop ng Bagong Ilog, Pasig, Lunes nang tanghali.

Sa abiso ng Pasig Command Center, naganap ang insidente dakong alas-12:36 nang tanghali.

Batay sa ahensiya, nawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver ng truck na hindi binigay ang pagkakakilanlan at dinala sa Medical City para lapatan ng lunas.

Nagresulta sa mabigat na trapiko sa nasabing lugar ang nasabing insidente.