Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Truck owner, developer ng subdivision swak sa illegal quarrying

0 326

Bulilyaso ang pagbiyahe sa 18 trak na may lamang mga graba, lupa, at bato na nagkakahalaga ng P150,000 sa Bulacan.

Ayon kay Elizabeth Apresto, Bulacan environment officer, ang nakorner na mga materyales ay dadalhin sana sa isang dinidebelop na subdivision sa Brgy. Pio Cruzcosa, Calumpit.

Sinabi ni Apresto na ang mga laman ng trak ay napag-alamang iligal na hinukay sa bayan ng San Miguel makaraang mabigo itong magpresenta ng quarry, hauling, at transport permit.

Agad naman umanong inutusan ni Bulacan Governor Daniel Fernando ang agarang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga truck owner at land developer ng subdibisyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.