Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Truck tumagilid: 1 tigok, 16 sugatan

0 71

Tumagilid ang isang Elf truck sa Cabagan, Isabela na nagresulta sa pagkamatay ng isang tao at pagkasugat ng 16 iba pa.

Sinabi ng Cabagan Police Station na galing ang mga biktima sa isang picnic sa Pinacanauan River sa Barangay Antagan sa bayan ng San Pablo at pauwi na sana.

Binabaybay ng trak ang kalsada sa Barangay Cansan, Cabagan, alas-3:00, Linggo ng hapon, nang makaidlip umano ang driver na si Domingo Angoluan at bumangga sa isang poste ng ilaw bago tumagilid.

Agad namatay ang isa sa mga sakay na si Milagros Garro, manugang ng driver, matapos maipit sa ilalim ng trak.

Naisugod naman sa ospital si Angoluan at 15 pang sakay. May kasama itong 6 menor de edad na nasugatan sa katawan.

Sabi ng pulisya, lumalabas na nasa impluwensiya ng alak ang driver nang mangyari ang aksidente.

Hawak na ng Cabagan Police Station si Angoluan habang hinihintay ang desisyon ng pamilya kung magsasampa ito ng kaso. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.