Abante Tonite
Mabilis sa Balita

True pala Mikee: Alex umaming nakunan

0 157

Isang malungkot na balita ang ibinahagi ni Alex Gonzaga sa kanyang 11.5 million followers sa Instagram kahapon. Sa nasabing post ay inamin ng vlogger/actress na nakunan siya sa first baby sana nila ng asawang si Mikee Morada.

Limang larawan ang ipinost ni Alex. Ang una ay ang pregnancy test na positive siya. Ang pangalawa ay makikitang hinahalikan ni Mikee ang kanyang tummy. Pangatlo ay photo na magkayakap sila habang nasa ospital. Sa 4th picture ay nasa hospital bed na ang aktres at sa pang-lima naman ay makikitang nakaupo siya sa wheelchair at nakatayo naman sa tabi niya si Mikee.

Narito ang nakakaantig na kwento ni Alex sa kanyang caption: “Hi. 2 months ago we found out that I was pregnant and 3 weeks ago, we got a heartbreaking news that we might be having an anembryonic pregnancy (blighted ovum). “Our doctor advised us to wait for the process to naturally take its course. So we had to wait for awhile for the pregnancy to finally end before we can tell our story. “The waiting and praying tested our faith and there were a lot of crying.

Everyday we were clinging on to a miracle that an embryo would still appear but last Tuesday, the Lord’s will prevailed and we finally closed the book of our first pregnancy. “We share our story to give hope that in the midst of this pain and loss the Lord will always sustain you. “To any couple who’s going through this or who might go through this pain, don’t ever lose hope. It’s not your fault this happened.

“At your own pace you can start to grieve and heal. Mikee and I held on to our Lord Jesus to prepare and help us accept our situation. He blessed us with a kind of LOVE that is ready to understand. “We know that in His perfect time He will bless us with our ultimate desire. “To our baby whom we almost had, thank you for giving mommy and daddy joy even for a short span. “Lastly, thank you to everyone who gave us time to heal.”

Bea kapiling ang dyowa sa birthday beach

Star-studded ang birthday video vlog ni Bea Alonzo na in-upload niya sa saktong kaarawan niya kahapon, October 17. Ang daming stars na bumati sa kanya at nag-iwan ng isang katanungan para sagutin niya.

Bumati at nagtanong sina Judy Ann Santos, Alden Richards, Angel Locsin, Angelica Panganiban, Ormoc Mayor Richard Gomez, Andi Eigenmann, Ian Veneracion, Jessica Sojo Pokwang, Mimiyuh, Enchong Dee, Dimples Romana, Bea Saw at siyempre, hindi pwedeng mawala ang boyfriend niyang si Dominic Roque.

Pati ang mga Kapamilya at Kapuso bosses ay join din tulad nina Carlo Katigbak na CEO ng ABS-CBN, Johnny Manahan at Gigi Lara ng GMA-7.

Nabanggit ni Bea na sa beach sila magdidiwang ni Dominic ng kanyang kaarawan.

Aliw ang tanong ni Mr. M na “bakit ka lumipat?” na sinagot naman ni Bea ng “para namang hindi mo alam bakit ako lumipat” at seryosong sinabi na hindi raw syempre madali at ilang buwan niyang pinag-isipan. But she took the risk dahil feeling daw niya ay ready na siya for change.

Tinanong naman ni Goma kung kaylan siya mag-aasawa at ayon sa birthday celebrant, “not anytime soon. I still have a lot of work to do, ang dami ko pang gustong gawin and tama ka, I’m not getting any younger, I’m 34 years old.”

Dagdag niya, naniniwala siyang may sarili siyang timeline at happy naman siya na naiintindihan ito ni Dominic.

“Frankly, I’m not there yet, I’m not ready yet, and I’m just very happy that Dom knows that and that we have an understanding. Take it one day at a time.

“Right now, I’m very, very happy and I know that when the time comes, in God’s perfect time, I will be happier, even happier to have my own family,” sabi ni Bea.

Sa tanong kung ano ang learnings niya ngayong 2021, binanggit niya ang kanyang paglipat sa GMA-7 at ang pagpasok sa bagong relasyon kay Dominic.

“Without taking risks, there’s no growth. And I took such big risks this year, and I feel like ang dami ring bumalik sa akin in a sense. Parang feeling ko, I gained confidence of being able to take control of my life and make big decisions for myself.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Hindi lang ito sa aspeto ng career ha, also about falling in love with Dom and you know, being able to entrust someone with my heart again,” sey ng aktres.

Tinanong naman ni Jessica kung happy ba siya ngayon sey niya, “yes, I’m very, very happy right now. How happy? Like enormously happy. Parang I guess, sa buhay ko, ito na ‘yung pinaka-okay ako. I’m sure about myself, I’m sure about my decision, I know I am loved and I love myself. Pinakamasaya.”

Finale naman si Dominic na nagbigay ng message at nagtanong din.

“Hi hun, happy happy birthday. Let’s enjoy your special day sa isang paraiso at mahal na mahal kita,” mensahe ni Dom.

Ang tanong ng aktor ay kung ano ang top 3 sa bucket list ni Bea na gusto nitong gawin or puntahan with him.

Sagot naman ni Bea, “hun, thank you for the question and I love you. I can’t wait to be in paradise with you soon, at the beach.”

Sa bucketlist naman with Dom, ani Bea, “to go to Switzerland with you, and second siguro, mag-road trip pero naka-motor naman. Somewhere in Europe rin, sana Italy, ganyan.”

Gusto rin niyang mag-paragliding with Dom at maraming-marami pang bagay “like growing old, char! Joke lang!” sey ni Bea sabay-tawa.

Ruffa may patama sa mga walang pinag-aralan

Suportado ni Ruffa Gutierrez ang kandidatura ni Herbert Bautista bilang Senador.

Sa latest vlog ni Ogie Diaz, ininterbyu niya si Ruffa sa dressing room ng It’s Showtime kasama ang magkapatid na Janice and Gelli de Belen.

Napag-usapan si Herbert dahil nga nali-link ito with Ruffa at nakikantyaw na rin sina Janice and Gelli.

“Oh my God, he’s running for Senator!” sabi ni Gelli.

“I know! Let’s support him naman. He’s a nice person. At may pinag-aralan, ha! Hindi siya kasali sa mga showbiz na…” sey ni Ruffa na naputol na ang sasabihin dahil biglang hirit ni Gelli, “katulad ni. . .?”

Sagot naman ni Ruffa, “katulad ng mga urrm na ‘ay ba’t siya tatakbo?’ ‘Eto (Bistek), may pinag-aralan. So pwede! Pwede!”

Dagdag pa ni Ruffa, lahat naman ng bagay ay pwedeng paghandaan at pag-aralan.

“Hindi ‘yung papasok ka sa isang bagay na wala kang alam,” sey pa ni Ruffa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.