Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Trump ‘di pabor sa pagkansela ng visa ni Bato – Sotto

0 475

Ibinunyag ni Senate President Vicente Sotto III na hindi umano sinang-ayunan ni US President Donald Trump ang ginawang pagkansela ng US visa ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.

Sabi ni Sotto, nakausap umano niya si Pangulong Rodrigo Duterte sa club house ilang linggo na ang nakakaraan at nagkuwentong tumawag sa kanya si Trump at sinabing hindi siya pabor sa nangyaring pagkansela ng visa ni Dela Rosa.

“Meron ginamit na word si President Trump na those people from the State Department should not have done that in the first place. President Trump himself did not agree with what happened,” sabi ni Sotto isang online forum.

“That is why, hindi ako nagtataka na sinabihan si Senator Dela Rosa na puwede na ibalik o i-renew ‘yung visa niya because President Trump himself did not agree with what happened,” dagdag nito.

Nauna rito, sinabi ni Dela Rosa na tumawag sa kanya ang US Embassy sa Maynila para sabihing maaari na niyang i-renew ang kanyang US visa na kinansela noong 2019.

Sabi ni Dela Rosa, natanggap umano niya ang advisory matapos mag-usap sina Duterte at Trump sa COVID-19 response ng gobyerno noong Abril.

Leave A Reply

Your email address will not be published.