Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Trump kinontra ang pagluhod

0 241

Mariing kinontra ni US President Donald Trump ang ginawang mga pagluhod ng NBA player habang pinapatugtog ang kanilang national anthem.

Sa pagbabalik ng liga sa bubble event sa Orlando, sumuporta sa “Black Lives Matter” movement ang mga basketbolista kung saan lumuhod pa ang ilang sikat na manlalaro kasabay ng kanilang pambansang awit.

Nang mapanood naman ito ng Pangulo, agad niyang pinatay ang TV.

“What I do personally is turn off the game,” giit ni Trump sa panayam ng FOX & Friends. “I see people kneeling during the playing and disrespecting our flag and national anthem.”

Ang ginawa aniya ng mga ito, ayon sa 74-anyos na Punong Ehekutibo ay hindi katanggap tanggap.

“I think it’s disgraceful. We work with [the NBA], we worked with them very hard trying to get open. I was pushing for them to get open. Then I see everybody kneeling during the anthem. That’s not acceptable to me.” (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.