Abante Tonite Interactive

Trust Me pang stakes race na

177

Patuloy na pinapakita ni Trust Me ang tikas tapos sikwatin ang panalo sa Condition Race Merged Category 10 nitong Sabado ng gabi sa Metro Manila Turf Club, Inc. sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Magaan dinala ni class B rider MB Pilapil si Trust Me at impresibo ang panalo nito sa 1,400 meter race kung saan nirehistro ang tiyempong 1:23 minuto.

Ayon sa mga race analyst na nakatoka sa gabi ng panalo ni TM, maaari na itong isabak sa mga stakes race.

“Tama sila, (analysts) sa mga pinapakitang galing ni Trust Me ay puwede na siyang isali sa stakes races, basta dahan-dahan lang huwag biglain,” saad ni Angelo Perez, isang karerista na taga-Pasay.

Sumegundo sa laban ang tigasin ding si Kapayapaan na nirendahan ni former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the Year Jonathan Hernandez.

Terserong dumating ng meta si Hidden Light habang pang-apat si Noble Run. (Elech Dawa)