Abante Tonite Interactive

Tryout ni Dindin purnada

385

Apektado rin ang sana’y tryouts na lalahukan ni volleyball star Aleona Denise ‘Dindin’ Santiago-Manabat dahil sa coronavirus disease o COVID-19.

Hindi binanggit ni Santiago-Manabat kung anong koponan ang kanyang lalakuhan sa tryouts ngunit natanggap naman nito na hindi pa ito ang tamang oras para sa kanya.

Tweet ng balebolista kahapon, “Yung try out na pupuntahan ko apektado ng COVID-19 huwag nalang muna siguro. hHndi para sa akin iyon tas may pa sakto sa mga game.”

Kagaya ng lahat, hinihiniling din ng Chery Tiggo Crossover reserve player sa Philippine SuperLiga (PSL) na humupa na ang krisis dulot ng nakamamatay na virus.

“Sana po maging normal na ang lahat,” panapos na tweet ni Santiago-Manabat. Halos lahat ng sporting events ay suspendido na dahil sa COVID-19 pandemic sa loob at labas ng bansa. (Janiel Abby Toralba)