Abante Tonite Interactive

TSAMP: Blatche babay na

By
5

Wala na pala si Andray Blatche sa Gilas Pilipinas.  Sinundan niya sina Ranidel de Ocampo at Jason Castro.

Pero samantalang nagretayr sina Ranidel at Jason, pahinga lang si Blatche.

Kakaiba ang katayuan ni Blatche.  Bilang naturalized Filipino, hindi siya awtomatikong miyembro ng Gilas Pilipinas.  Kailangan pa rin ng kontrata bago siya makalaro sa Gilas.

Ibig sabihin, kumpara sa lahat ng Pinoy na nasa Gilas, si Blatche lang ang kontratado ng Gilas.

Parang import sa PBA si Blatche.  Siya’y pipirma ng kontratang siksik sa dolyar bago maglaro sa Gilas.  Kung pahinga ang Gilas, pirmis sa Amerika si Blatche.

Tanong:  Para ke pa na ginawa siyang Pinoy kung bayaran din lang pala siya?

Mersenaryo si Blatche.  Ibig sabihin, siya’y inuupahan sa kanyang serbisyo.  Walang Gilas, walang Blatche.  Lamiyerda siya sa Amerika, o laro sa Europa o Tsina.

Sa tangkad na 7’1” ay swak si Blatche na sentro ng Gilas?

Pero sa 3 labanang internasyonal—2013 Spain Fiba

Worlds, 2016 China Fiba Asia at ang katatapos na Fiba Olympic Qualifyin­g—hindi tayo nabitbit ni Blatche. Bokya.

Tanong:  May katuturan bang gawing Pinoy ng Kongreso ang isang Kano para lang magkaroon tayo ng higanteng sentro?

Sa ehemplo ni Blatche, tila wala.

Tandaan: Gabultong dolyar ang bayad kay Blatche sa bawat laro niya sa Gilas.  Sulit ba?

Sagot niyo’y sagot ko na rin.