Abante Tonite Interactive

TSANSA NG GILAS PINAYPAYAN NI BIG MAC

By
9

Sa pasabog na 30 points at kalawit na 11 rebounds ni Mac Belo, nagitla ng Gilas ­Pilipinas 5.0 ang Kazakhstan 98-86 at sa wakas ay umabante sa win-column ng 6th FIBA Asia Challenge 2016 Group E second round sa Azadi Basketball Hall sa Tehran, Iran kahapon.

Sa pagkalso sa 91-83 at 87-76 losses sa India at Taiwan sa preliminary round at 75-65 defeat sa China sa round two, suminghap pa ang tsansa ng Filipinos sa quarter­finals ng 12-team, 10-day ­tourney.

Must-win ngayong alas-10:00 ng umaga (3:30 ng hapon, Manila time) ang Pinoy quintet sa Group E na knockout game nila kontra Jordan (2-1). Ang top four dito ang haharap sa top four ng Group F sa semifinals.

Fourth straight game nang top scorer sa natio­nal team, nakakuha si Big Mac ng backup job na 17 points kay Ed ­Daquioag at 12 kay ­Russel Escoto.

Problema ng ­Gilas sina Jordan ­naturalized player ­Darquavis ­Lamar Tucker at ­veterans ­Sinah Eid, Zaid ­Abbas at ­Mohammad ­Hussein. Wagi ang team ni ­dating PBA import Sam Daghles na coach na ngayon ng Jordanians kontra Kazakhs 89-71 at Indians 121-65.