Abante Tonite Interactive

Tsansingero sa MRT

650

Sobrana talaga ang kalokohan ng kapitbahay kong ito na suki ng MRT.

‘Yun si James, nagtatrabaho bilang bagger sa isang supermarket dito sa city namin. Madalas ko kasing marinig na ibinibida ni James sa mga kaibigan niya na malaki nga raw ang pasalamat niya sa MRT hindi dahil sa convenient na sasakyan to, kundi libre tsansing daw na hatid nito sa mga babae.

Hindi ba, kahit naman hiwalay naman na ang mga babae sa mga lalake ay puwede pa rin naman magkahalo ang different gender sa tren? Iyun ang sinasamantala raw nitong si James na sobrang naughty sa katawan.

Siyempre nga naman kapag peak hour sa umaga ay iyun na ang pagkakataon ng mokong para makipagsiksikan at makahimas-himas ng konti. Ipinagmamalaki pang hindi naman daw siya garapal na maniac kundi simpleng maniac lang daw.

May ganon pa siyang nalalaman at ang hangin naman sa katawan ay sobra. May dating din naman daw siya kaya hindi na rin daw lugi ang mga babae sa kanya. Loko-loko talaga.

Akala mo kung sinong guwapo. Ako nga na kahit sinasabi ng iba na parang artista raw, ni minsan ay hindi ko talaga inisip na magyabang o may gano’n talaga kong katangian.

Unang-una, estudyante ako at kasama na rin sa turo ng parents ko na huwag ma­ging hambog sa mga tao. Ewan ko ba rito kay James. Parang ‘di marunong matauhan. Pag may nakatapat siya ng babae, yari siya.
Josher ong Mandaluyong City