Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tsekot sinuyod 4 rider

0 82

Apat na rider ang sugatan, tatlo sa mga ito ang grabe, nang araruhin ng kasalubong na kotse ang sinasakyang tatlong motorsiklo at ang isa pang jeep sa San Pedro City, Laguna Linggo ng gabi.

Sa report ng San Pedro City police, sinalubong at binangga ng kotseng Honda Brio na minamaneho ni Ronald Almodovar ang kasalubong na tatlong notorsiklo at isang pampasaherong jeep na patungong norte alas 11:30 ng gabi sa national highway sa Barangay Landayan.

Grabeng nasugatan ang driver ng mga motorsiklo na sina Reynaldo Montebon at Erwin Licudine Dolormente at backrider nito na si Sheryl Gardose Dolermente. Sugatan din ang isa pang rider ng ikatlong motorsiklo na si Clyde Balos.

Sumalpok pa ang kotse sa jeep na ikinasugat ng driver ng kotse na si Almodovar.

Nakaratay ngayon sa Jose Amante Hospital sa San Pedro City ang mga biktima.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung bakit nawala sa kanyang linya ang kotse na nagresulta ng multiple collision. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.