Abante Tonite Interactive

Tserman, 6 kagawad dinakma sa nalunod na bata

377

PROBINSYA

Inaresto ang isang barangay chairman, anim na kagawad nito at dalawa pa matapos kasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide sa Barangay Antagan First, Tumauini, Isabela kamakalawa.

Kinilala ni Tumauini Police Station (TPS) commander P/Maj. Eugenio Malilin ang mga suspek na sina barangay chairman Juanito Rapadas, 49-anyos, at mga barangay kagawad na sina Marcial Macabadbad, 38; Eve­lyn Simeon, 48; Maryglo Mirrales, 42; Joseph Pascual, 43; Joel Forto, 44; Enrique Forto, 52, at dalawang nagngangalang Rosemary Beterbo, at Rolando Galicia, pawang residente ng Antagan First, Tumauini, Isabela.

Ayon kay Malilin, ang pagkakahuli ng mga opisyal ng barangay ay dahil na rin sa reklamo ng isang residente na hindi pinangalanan tungkol sa pagkalunod at pagkamatay ng kanyang anak.

Sinabi ni Malilin, inireklamo niya ang lahat ng mga nangangasiwa sa Magoli River.

Ayon umano sa reklamo ng magulang, may kapabayaan ang mga opisyal ng barangay kung saan sila rin ang namamahala sa nasabing lugar.

Kaagad namang nakalaya pansamantala ang mga opisyal ng barangay at dalawang iba pa makaraang maglagak ang mga ito ng piyansang P30,000 bawat isa.

(Allan Bergonia)