Abante Tonite Interactive

Tserman ng power association nakuryente

By
16

Namatay sa ospital ang isang Barangay Power Association (BAPA) Chairman sa bayan ng Looc, Romblon matapos makuryente habang nagtatanggal ng trapal (manta) na ginamit sa birthday party kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Police Sr. Insp. Ladylene Ambunan, ng Romblon Police Provincial Office ang biktima na si BAPA Chapirman Ruben Merque Calaud, 52-anyos, residente ng Limon Sur, Looc, Romblon.

Nabatid na habang nasa bubong umano si Calaud matapos magtanggal ng trapal ay bigla itong nadulas sa bubong na gawa sa galvanize iron at aksidenteng napakapit sa isang live electricity wire ng Tablas Island Electric Cooperative (TIELCO) na nasa taas lang ng kanyang ulo.

Agad naman siyang tinulungan ng mga concerned citizens na nasa lugar at dinala sa Don Modesto Formilleza Sr. Memorial Hospital sakay ng tricycle para maagapan ngunit kalaunan ay idineklarang patay ng attending physician.