Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tserman sinuhulan, 3 urban poor officer kulong

0 113

SWAK sa kulungan ang tatlong mga opisyal ng isang organisasyon nang tangkain nilang suhulan ang isang Barangay Chairman upang makakuha ng entry pass kapalit ng 500 na housing unit sa Trece Martires City.

Kasong paglabag sa Artilce 212 (Corruption of Public Official) ang kinakaharap ng mga naarestong suspek na sina Romeo Bordallo, 72, isang Pastor at Chairman ng Urban Poor Movement Against Poverty Association Inc., ng San Miguel 2 Silang Cavite ; Saldy Lutrago, 46 ng Malagasang 2C, Imus City Cavite at at Ryan Mangulabnan, 32, ng Malagasang 2B, Imus City, Cavite dahil sa reklamo ji Jun Rollo, Barangay Chairman ng Brgy Cabuco, Trece Martires City.

Ayon kay Corporal Gidoen Grijaldo ng Trece Marttires City Police Station, nauna nang nagtungo ang mga suspek sa tanggapan ni Chairman Rollo para mag-apply ng applikasyon ng Entry Pass Certification.

Kahapon ng alas-3:35 kamakalawa ng hapon nang bumalik ang mga suspek sa tangggapan ni Chairmann Rollo para sa follow up ng aplikasyon ng kanilang entry pass certification na inisyu ng National Housing Authority kasabay nang pasimpleng nag-iwan ng isang envelope sa lamesa ni Tserman na naglalaman ng P15K cash.

Pero imbes na tanggapin ng tserman, kinaladkad ang mga suspek at idineretso sa pulisya. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.