Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tserman tinambangan, bata sapul ng ligaw na bala

0 472

PATAY ang isang barangay chairman habang tinamaan ng stray bullet ang isang bata nang tambangan ng riding in tandem sa Dasmarinas City, Cavite.

Dead on arrival sa UMC Hospital ang biktimang si Dominador Narido, 56, kapitan at taga-Dasmarinas City Cavite sanhi ng tama ng bala sa katawan. Tinamaan naman ng stray bullet sa hita si Diana, 6, ng nasabi ring lugar.

Sa ulat ni PMSgt Elmo Cabooy, ng Dasmarinas City Police Station, ika-10:30 kahapon nang maganap ang pamamaril sa harapan ng palengke.

SM food to go Banner Ad

Minamaneho ng tserman ang kotse nitong may plakang NDK 7822 nang lapitan isa sa mga suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril.

Nasa loob umano ng kanilang bahay si Diana nang tamaan ng ligaw na bala.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga suspek. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.