Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tsibog sa nationwide bakuna sagot ko – Duterte

0 45

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng gobernador at mayor sa bansa na kumbinsihin ang kanilang mga nasasakupan na magpabakuna kontra COVID-19 at sagutin ang gastos sa pagkain ng mga ito sa loob ng tatlong araw na national vaccination simula sa Nobyembre 29.

Sa kanyang regular na `Talk to the People’ Martes ng gabi, nanawagan ang Pangulo sa mga naturang opisyal na pamunuan ang paghahatid sa kanilang mga mamamayan sa mga vaccination site tulad ng mga ospital, mall at maging sa mga fast food chain tulad ng Jollibee at McDonald kung saan gagawin ang pagbabakuna.

Ayon sa Pangulo, pinapayagan niya ang mga gobernador at mayor na mag-abono muna, gastusin ang pera ng bayan para pakainin nang hindi magutom ang mga mamamayan, partikular ang mga magpapabakuna sa mga fast food chain.

“I am authorizing all governors and mayors, gumastos na lang kayo ng pera. Papalitan ko lang balang araw. Pakainin na lang ninyo sila. Kawawa naman ‘yong Pilipino. Just give me the bill and I will try to pay it if I have the money,” sabi ni Pangulong Duterte.

SM food to go Banner Ad

“Iyong magpatigas-tigas na matagal mong kumbinsihin, bigyan mo lang `yan ng siopao,” aniya pa.

Naniniwala si Pangulong Duterte na kayang hikayatin ng mga gobernador at mayor ang kanilang mga kababayan para magpabakuna dahil sanay aniya ang mga naturang opisyal na maghakot ng mga tao kapag may eleksiyon

“Sana yang mga governor and mayors sa paghakot ng tao so dapat kayang-kaya din nila ito. Well, this is a very…Hindi na kailangan sabihin sa ano na sanay ang mga governor at mayor. Sanay sila sa eleksiyon maghakot,” dagdag ng Pangulo.(Mia Billones/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.