Abante Tonite Interactive

Tsikahan kay Rannie Raymundo

By
483

Si Rannie ay isang singer-songwriter na napakaraming na-compose. Pero mas kilala siya sa kanyang super hit song ‘Why Can’t It Be?’

‘80s nang pasukin ni Rannie ang music industry. Ilang beses na siyang pinarangalan ng Awit Awards dahil sa contribution niya sa musika.

Hinihiyawan ng mga kolehiyalas once na nagpe-perform na siya. Hindi lang sa kanyang awitin siya hinahangaan kundi maging sa pagpi-play ng iba’t ibang musical instrument.

TNT Tonite: Kelan niya na-realize na maru­nong siyang kumanta at umarte?

RANNIE: Ako eversince how was I’m very, very young. As far as memory ko kayang bumalik, kumakanta na ako. My brother… parang nakontak ng alien or something… basta isang araw ‘kuya I want a keyboard. Nang humingi siya (Lance) sa akin ng keyboard parang X’mas day sa akin.

TNT Tonite: Sino ang mas naughty sa kanila ni Lance sa mga girls? At sino ang bad influence?

RANNIE: Ako… (kinuwento ni Lance ang nangyari one time sa GBC involving girls kung saan nasulat pa ni Ricky Lo… sila ‘yung bad ­influence sa akin) and I can attest to that.

TNT Tonite: Paano niya naha-handle ang mga intriga?

RANNIE: Ang mga intriga na ganyan.. maybe because nauna ako sa showbiz… mga intrigang ganyan alam na namin… we are so confident alam namin kung sino kami hindi kami sticks and stones… hindi kami apektado.

Saka sabi nila good or bad publicity… but I think napakaswerte ko lang 30 years na ako as a musician… at kaibigan ko lahat ng press… ina­lagaan ko naman… wala pa akong na-encounter na kinasira ng pangalan ko… at kung meron intriga… aawayin nila… ipagtatanggol nila ako.

RANNIE,LANCE tumibay sa aksidente

Exciting ang online show ng Abante Tonite na Tambayan ng Tsika (TNT) with Abante Tonite editor Roldan Castro, Alwin Ignacio, at Beth Gelena. Guest dito ang dalawa sa mahuhusay sa entertainment industry whether in recording, television at film ang magkapatid Raymundo na sina Lance at Rannie.

Sinubok ng trahedya ang pamilya nina Rannie at Lance dahil dito nagpatibay naman ito sa samahan at pagiging positibo ng bawat miyembro nito.

Idolo nga kung ituring ni Lance ang Kuya Rannie niya, lumaking inspirasyon at gabay sa pagpasok niya sa industriya. Narito ang ilan sa panayam sa kanila ng TNT.

TNT Tonite: Kailan nila na-realize na pareho silang marunong kumanta o umarte?

LANCE: “I’d say siguro mga late teens, kasi nagsi­mula ako na parang walang talent, walang spill habang lumalaki, as in zero talaga. Ni hindi ako puwedeng mag-shoot ng bola, basta wala talaga.

Tapos bigla na lang isang araw, I tried to sing out of tune, as in talagang wala, tapos ‘yung kuya ko naman, total music man.

“Actually it’s weird big­la na lang nagising ako isang araw, with the urge to do something like that, na never ko naman alam na may talent pala ako, ‘tas noong ni-lock ko nga yung sarili ko, I found out that I could play, I found out that I could sing, so since then…”

TNT Tonite: Si Rannie ba ang nag-influence sa kanya?

LANCE: “Eversince because I’ve always looked up at my brother and I wanted to be like him. So, noong dumating yung araw na kaya ko na, I was happy and fulfilled.”

TNT Tonite: Ano ang pinakamagandang katangian ng kuya niya na talagang sinusundan niya?

LANCE: “Uhm, si kuya is of course, very responsible and ‘yun ‘yung talagang sinusundan ko because madaling maging pasaway, ‘di ba? Nakita ko naman siya growing up at he never gave a problem to my parents. So, gusto kong gayahin ‘yung ganun. Awa ng Diyos, lumaki rin ako nang ganoon.”

TNT Tonite: Kailan niya na-realize na hit ang kanta ng kuya niya?

LANCE: “Well I grew up na talagang alam ko ‘yung brother ko is a superstar, because the 90s was the time na, ‘di ba ngayon medyo finesse ‘yung mga tao. ‘Pag nakita ka sa Rockwell, titingin-tingin lang, pero naabutan ko ‘yung tala­gang dinudumog ‘yung kuya ko. So I know for a fact that my brother was really a superstar when I was growing up, alam ko talaga and Why Can’t It Be naman, it was everywhere, and that was the time na nanonood ako ng concert ni Kuya na tinatapunan pa siya ng panty ng mga tao.

“So kaya ko nga gustong maging Rannie Raymundo, parang naiisip ko, kailan kaya ako tatapunan ng panty? Ganoon hahaha!”

Anyway lalabas na ngayong September ang single at music video niya na You Are The One (YATO) ng Viva. Si Jana Victoria ang leading lady niya sa MTV.

Orgy sinagot ng mag-utol

TNT Tonite: Ano ang pinaka-worst na intriga na-encounter nila?

RANNIE: I was involved with orgy na sana nga totoo (sabay tawa). Marami ang mga nagtatanong even my dad.

LANCE: “May kuwento pa ako roon, sa orgy ni kuya,.. Hindi, yung dad ko pilyo rin. Nakasalubong namin yung babaeng artista na nasulat na naka-orgy ni kuya ko, tapos lumapit siya kay dad, “Hi tito!” Sabi ng dad ko, “Di ba ikaw yung kasama sa orgy?” hahaha!

“Iyong sa akin naman, may nabasa rin ako na-actually in all my life, it’s only this year na tumira ko sa condo, eversince I’m living with my mom and dad, for around 7 years, na-interview daw ng isang media yung dating maid sa “condo” ko na hindi raw nakayanan magtrabaho sa akin, kasi every night may orgy, hahahaha!”

TNT TONITE: How ‘Why Can’t It Be’ brings you to become a star?

RANNIE: ‘Why Can’t It Be?’ is almost everywhere. ‘Pag nagpe-perform ako andyan yung tinatapunan ka ng panty. Ang dami ko ngang nakolekta na different sizes, e. Mga fans… kolehiyalas… lahat sila… nagtitilian… na nakatutuwa naman.

TNT Tonite: Ano ang pinaka-trauma na dumating sa inyong family?

RANNIE: Accident… highlight trauma of my life… to see your brother in pain. Nu’ng naaksidente si Lance sa gym. Physical fit yung makita mo ang brother mo na halos wala ng mukha… pero emotional pain kami ang nahihirapan… at wala kaming magawa. He was giving us to be strong to him.

Siya (Lance) pa ang nagbibigay ng lakas loob sa amin gayung siya ang nasaktan. Ako ‘yung kuya na suppose wiser… kasi talagang awang-awa ako sa kanya.. he looks like ‘yung sa horror movie talaga… but look at him… he looks better now.

NAKAAKSIDENTE SA KAPATID GUSTONG BUGBUGIN

TNT Tonite: Ano’ng ginawa niya nu’ng time na nalaman mo ang aksidente ni Lance?

Rannie: Gustung-gusto kong saktan ang taong nakaaksidente sa kanya. Naiyak ako dahil kapatid ko ang nasasaktan. Hindi naman ako bayolenteng tao, pero bugso na rin galit.. just being a real person… wala na akong pakialam kung kilala ako ng mga tao… all I want is iganti ang kapatid ko. Pero hindi kami nagtagpo though andu’n din siya sa loob ng emergency room. God’s will na rin for sure.

NAGULAT SA BULONG NA TANONG

TNT Tonite: (Binulong lang ang question.) Depende kung gusto niyang sagutin o dare?

RANNIE: (Ang lakas ng tawa) Sa tinagal-tagal ko sa showbiz…first time… you got me stomp (referring sa aming editor na si Roldan Castro) na hindi nila nagawa noon. Maging si (late) Inday Badiday hindi ako naganito. DARE na lang. Tamang-tama ang kantang ito sa kanya.

Ang hit song ni Rannie na ‘Why Can’t It Be?’ ang kanyang kinanta.