Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tsimay tinangay mga alahas, datung ng DOTr Asec

0 159

Tinangay ng kasambahay ang mga mamahaling alahas at cash ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Goddes Libiran nang umalis ito ng kanyang tahanan upang magpa-booster shot kontra COVID-19.

Sa Facebook page post, sinabi ni Libiran na sandali lamang siyang umalis ng bahay para magpa-booster shot subalit pagbalik niya ay nawawala na ang kanyang jewelry collection at cash na hindi binanggit ang halaga.

Kuwento ng opisyal, ang kanyang bagong kinuhang kasambahay (‘di binanggit ang pangalan) sa isang agency ay umalis sa bahay nitong Sabado ng hapon upang bumili lamang ng bawang at sibuyas pero hindi na nagbalik.

“Iba ka, Manang. Nagmalasakit pa akong ipagamot ka kahapon dahil sa sakit mo, tapos ganito lang gagawin mo sa pamilya ko? Ibang klase ka. Hindi siya dapat pagkatiwalaan, at lalong dapat ay maturuan ito ng leksyon,” ayon kay Libiran sa kanyang social media post.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kasabay nito, umapela si Libiran sa mga awtoridad na maaresto agad ang kasambahay na suspek.

“To my friends in the NBI and the police force, please help me find this person… To the agency, may pananagutan kayo dito. Exhaust all efforts to find this person,” apela pa ni Libiran.

Binalaan din ni Libiran ang agency kung saan galing ang nakuhang kasambahay na pananagutin at kakasuhan kapag napatunayang may kinalaman sila sa insidente.

“You better make sure na wala kayong kinalaman dito ha. Or else, pakakasuhan ko rin kayo. Hindi ninyo ini-iscreen nang maayos. Iba ang pangalan sa mga ipinasa ninyong dokumento,” babala pa ng DOTr official. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.